Mag-isa..
Na-feel mo na ba yung parang kala mo mag-isa ka lang?..
Walang nakakaintindi sayo..
Walang tumitigil para pansinin ka..
At ang gusto mo nalang gawin ay tumingin sa langit..
maghanap ng bulalakaw at humiling na magkaroon ka ng sarili mong mundo..
Bakit ganun?..
Minsan..
kahit masaya ka..
parang maiisip mo nalang..
"bakit ba ganito?"
Nagtatanong ka..
Nalilito sa mga nangyayari sa buhay mo..
Pero kahit anong gawin mo..
sinasayang mo lang ang bawat segundo..
Hindi hihinto ang mundo para sa atin..
Kaya nga siya nandito..
para samahan ka..
Pero..
nasaan nga ba siya?..
Hanapin mo..
Baka di mo nalalaman..
maga na ang mga mata niya kakaiyak..
